Posts Tagged ‘nonsense’

4
Nov

Mga Seryosong Tanong

   Posted by: Ryman    in Humor Post, Things Forwarded

1. Pwede bang uminom ng softdrink kapag coffee break?
Pwedeng uminom ng softdrink kung coffebreak ngunit kailangan itong lagyan ng asukal at kopimeyt. Kopimeyt dapat at huwag gatas. (Milk in my cereal, kopimeyt in my pepsi. sounds good to me!)

2. Pwede bang gamitin ang a.m. radio pag gabi na?
Maari lamang gamitin ang a.m. radio kapag umaga, kapag gabi ang iyong pakikinggan ay f.m.

3. Ang fire exit ba ay labasan ng apoy?
Ang fire exit ay ginagamit lamang bilang labasan ng apoy kapag may sunog. Ito ang kanilang daan upang sila’y makatakas o ang tinatawag na “fire escape”.

4. Ang uod ba pag namatay ay inuuod din?
Ang tao kapag namatay ay hindi tinatao. Malamang ang uod ay hindi rin inuuod. Kung ang tao ay inuuod kapag nalagutan ng hininga, siguro ang uod kapag namatay ay tinatao.

5. Totoo bang ang mga manok na pinatay sa jolibee ay masasaya kaya sila tinawag na chicken joy?
Ang mga manok na pinatay sa Jolibee ay masaya kung kaya’t sila’y tinawag na chicken joy. Ngunit hindi kinakailangang sa jolibee patayin ang manok upang ito ay maging masaya… ang mga manok ay nagiging masaya kapag sila ay may kasama sa buhay. kundi… mcchicken singles. (Ang pinakamasayang manok sa lahat ay iyong 6 pcs. chicken mcnuggets o yung nasa bucket )

6. Kung ang 7-11 store ay bukas 24 hrs a day , 7 days a week at 365 days a year. bakit may lock pa ang pinto nila? bakit ? bakit?
Dalawa ang dahilan. Una, may coffee break (tingnan ang katanungan bilang 1 hinggil sa maaaring inumin kpag coffe break) din naman ang mga nagtatrabaho sa 7-11. Pangalawa, mayroon tayong tinatawag na leap year.

7. Bakit di mataas ang highway?
Dahil kung mataas ang highway, walang paglalagyan ng skyway.

8. Ba’t alang lumilipad na sasakyan sa flyover?
Hindi lang natin nakikita ang mga nagliliparang sasakyan sapagkat hindi tayo tumitingala kapag tayo ay nasa flyover. Ang pagsalin ng dayuhang salita na flyover sa katutubong wika ay “fly”-lipad, “over”-sa ibabaw. Ibig sabihin nito na ang mga kotse ay hindi lumilipad sa flyover ngunit sa ibabaw ng flyover. Ngayon kung titingala ka naman kapag ikaw ay nasa flyover ang tangi mong makikita ay ang kisame ng iyong sasakyan. Alam kong wala sa inyong mayroong sasakyan na Miata, Boxster, Kompressor, Z3, Z8 at kung ano-ano pang kotseng pangmayaman kaya’t huwag na kayong mag-pumilit mamilosopo… ako lang ang may karapatan. Kung idadahilan niyo naman na mayroon kayong sunroof, hanapin ninyo ang inyong tinatawag na sense of humor”.

(reposted from Techie - old Darkmoon)

Tags: ,